Marikina River, wala pa sa critical level

marikina river erwin
Marikina River, Kuha ni Erwin Aguilon

Malayo pa sa critical level ang antas ng tubig sa Marikina River.

Huwebes ng umaga nasa 13.6 meters ang antas ng tubig sa Marikina River na malayo pa sa critical level nito na 15 meters.

Pabugso-bugso pa rin ang pag-ulang nararanasan sa Marikina, dahil ang Metro Manila ay sakop ng Heavy Rainfall Warning na ipinalabas ng Pagasa.

Kuha ni Erwin Aguilon

Samantala, dahil sa nararanasang pag-ulan, may mga pagbaha na ring naitala sa ilang bahagi ng Quezon City.

Sa Quezon City Memorial Circle, umabot sa gutter deep ang tubig baha. Pero dahil sa wala namang pasok sa mga paaralan at kakaunti lamang ang mga sasakyan ay hindi nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang tubig baha.

Sa Maynila naman, hanggang binti na ang tubig baha sa harapan ng punong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Ave./ Erwin Aguilon

Read more...