MRT-3, nagpatupad ng provisional service

Nagpatupad ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng provisional service, Miyerkules ng gabi.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, ito ay mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station, northbound at southbound.

Hindi naman nabanggit kung ano ang sanhi nito.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng troubleshooting at pagsasaayos.

Sinabi ng MRT-3 na maglalabas sila ng abiso kung maibabalik na ang full operation ng tren.

Read more...