Burol sa bahay, bawal pa paalala ni Mayor Belmonte

Pinaalalahanan at binalaan ni Mayor Joy Belmonte ang mga may-ari ng punerarya sa Quezon City na epektibo pa rin ang ordinansa na nagbabawal sa pagkakaroon ng lamay o burol sa bahay.

Bilin ni Belmonte, pagmumultahin ng P5,000 ang lalabag na punerarya at maari ring bawian sila ng business permit sa paglabag sa Ordinance No. SP-2907 S-2020.

Kasabay nito ang kanyang babala sa mga opisyal ng barangay na bukod sa P5,000 multa ay maari rin silang makulong at makasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 11332.

Naglabas ng pahayag ang alkalde matapos makatanggap ng mga sumbong na may mga barangay na pinapayagan na ang lamay o burol sa bahay.

Katuwiran ni Belmonte, iniiwasan lang ang pagtitipon ng mga tao sa burol para hindi magkaroon ng hawaan ng sakit.

Read more...