Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa proclamation rally ni Mayor Erap

Joseph-EstradaIsasara ang ilang mga kalsada sa lungsod ng Maynila bukas ng Lunes (March 28) dahil sa proclamation rally ni Mayor Joseph Estrada at tiket nito na gaganapin sa Liwasang Bonifacio open grounds.

Batay sa advisory ng Manila Police District traffic enforcement, simula alas-tres ng hapon, hindi madaraanan ng mga motorista ang:

– McArthur Bridge (Southbound) mula Plaza Sta. Cruz hanggang Magallanes Drive Extension

– Parehong lanes ng Magallanes Drive Extension mula Postal Road hanggang P. Burgos Avenue

– Muello Del Rio (Riverside Drive) mula P. Burgos Ave. hanggang A. Soriano Ave.

– Quezon Boulevard at A. Mendoza St. (Southbound) mula Fugoso St. hanggang P. Burgos Ave., harap ng Liwasang Bonifacio – At España Boulevard (westbound) mula P. Campa St. hanggang Quezon Blvd.

Ang mga designated parking areas naman na malapit sa Liwasang Bonifacio ay ang:

– Multimodal parking area malapit sa Quezon Bridge

– Kahabaan ng Magallanes Drive mula Bureau of Immigration hanggang P. Burgos

– At kahabaan ng Victoria St. at likod back ng Bonifacio Shrine.

Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta o daanan upang hindi maabala.

 

Read more...