Pilot testing ng face-to-face classes, makakatulong sa blended learning system – Gatchalian

Senate PRIB photo

Samu’t saring mga hamon ang kinahaharap sa pagkasa ng distance learning at ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, malaking tulong ang binabalak na pilot testing ng face-to-face classes sa low risk areas.

Binanggit ni Gatchalian na hindi lahat ay may internet access at may mga magulang din na hindi nakakatulong nang husto sa pag-aaral ng kanilang mga anak dahil limitado rin ang kanilang edukasyon.

Sabi pa ng senador, ang mga ganitong hamon ay nadagdagan pa ng epekto ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Ngunit diin ni Gatchalian, kailangan ay maging mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng basic health protocols sa mga eskuwelahan at dapat ay handa ang lokal na pamahalaan sa lahat ng maaaring mangyari kapag naikasa ang plano ng Department of Education o DepEd sa susunod na buwan.

Naniniwala ang senador na kapag nasunod ang lahat ng protocols at handa ang LGU, mas mapapaghandaan ang ganap na pagbabalik eskuwelahan ng mga mag-aaral.

Read more...