Buntis patay sa pagsabog sa Shariff Saidona, Maguindanao

Patay ang isang babae at nadamay na rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa insidente ng pagsabog sa Shariff Saidona, Maguindanao, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ramea Damada.

Nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pusaw si Damada nang sumabog ang mortar projectile.

Dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan.

Naganap ang pagsabog tatlong araw matapos ang isang pang katulad na insidente sa bayan naman ng Salibo.

Anim ang nasugatan sa unang insidente, kabilang ang dalawang bata.

Read more...