Active COVID-19 patients sa Muntinlupa, bumaba pa

Umabot na sa 5,028 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (December 16), sa nasabing bilang ay 45 ang aktibong kaso.

242 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 55 ang suspected cases.

Samantala, 4,818 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 165 na ang bilang ng nasawi.

Read more...