Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nasa higit 1,000

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,662 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (December 16).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,005 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

24,913 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 744 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 22,157 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...