Ayon kay DSWD regional director Cezario Joel Espejo, hinihintay na lang ng ahensya ang mga ulat mula sa field at local government units para sa augmentation support requests.
“We are on standby and ready to assist ang augment resources for afftected Local Government Units,” pahayag ni Espejo.
Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang pagyanig sa 11 kilometers northeast ng Alabel dakong 7:22 ng umaga.
Bunsod nito, naitala ang intensity 5 sa General Santos City; intensity 4 sa Kiamba, Sarangani; Tupi at Koronadal City, South Cotabato; at Intensity 3 naman sa Kidapawan City.
MOST READ
LATEST STORIES