Batay sa statement, isang 46-year-old na babae ang tinamaan ng virus matapos makipagtalik nang walang proteksyon sa kanyang partner.
Ang lalaki naman ay nauna nang nagkaroon ng Zika noong nasa Haiti siya.
Ayon sa Chilean Health Ministry, ito ang unang kaso sa mainland Chile, kung saan hindi nag-eexist ang Aedes aegypti mosquito, na nagta-transmit ng virus.
Muli namang nagpaalala ang ministry sa kanilang mga mamamayan laban sa unprotected sex, lalo’t karamihan sa mga nabibiktima ng Zika virus ay hindi nakikitaan kaagad ng mga sintomas.
Mas makabubuti umanong magpractice ng safe sex o kaya naman ay mag-abstain muna sa loob ng apat na linggo matapos manggaling sa mga bansang may mga Zika cases.
Sa kasalukuyan, nasa sampu na ang kumpirmadong imported Zika cases sa Chile, kung saan walo rito ay naitala ngayong 2016 lamang.