2,000 typhoon victims sa Pampanga tumanggap ng tulong mula kay Senator Bong Go

Personal na binisita ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ulysses sa Pampanga.

Iniabot sa mga residente ang tulong upang makaagapay sa kanila sa epekto ng kalamidad.

“Nabalitaan ko na tinamaan din kayo ng pagbaha dito. Pasensya na medyo natagalan ang aming pagbisita, ang dami na rin naming inikot na lugar para rin magbigay ng tulong. Huwag kayong mag-alala dahil hindi namin kayo pababayaan ni Pangulong [Rodrigo] Duterte,” ayon kay Go.

Sa isinagawang aktibidad sa Arayat Glorietta Gym sa Arayat at sa Municipal Action Center sa Candaba, binigyan ng food packs, vitamins, masks at face shields ang aabot sa 2,351 na typhoon victims.

Kabilang dito ang 1,465 na magsasaka.

Ilang piling benepisyaryo din ang tumanggap ng bisikleta.

Habang may pinagkalooban din ng tablets para magamit ng mga bata sa online educational activities.

“Ang mga magulang niyo ay nagpapakamatay para lang mapa-aral kayo. Kaya pakiusap sa mga estudyante, bilang ganti, mag-aral kayong mabuti,” dagdag ni Go.

Pinaalalahanan ni Go ang mga residente na mayroong Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ang pamahalaan na maaring i-avail ng mga nais umuwi na ng lalawigan.

Sa ilalim ng programa, tutulungang makabiyahe pauwi, bibigyan ng family support package, transitory shelter assistance, at livelihood settlement grants ang mga hihingi ng tulong.

Ang mga nangangailangan ng tulong medikal ay maaring lumapit sa Malasakit Center sa the Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City.

Samantala, naglaan din ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa mga pamilyang apektado.

Habang ang Department of Agriculture ay nakaloob ng mechanical dryers sa local rice cooperatives sa ilalim ng Enhanced Kadiwa Financial Grant.

Ang Department of Trade and Industry at National Housing Authority ay magkakaloob din ng livelihood at housing assistance.

Tiniyak ni Go sa publiko na sa sandaling magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 ay prayoridad ang mga mahihirap at vulnerable sectors.

“Kapag may safe at effective na vaccine na po, sang-ayon ako sa plano ng ating Pangulo na unahin ang mga mahihirap para makabalik na kayo sa normal na pamumuhay. Uunahin rin natin ang mga vulnerable sectors, at ang ating mga frontliners, tulad ng mga guro, medical workers at uniformed personnel,” ayon sa senador.

Habang hinihintay ang bakuna, apela ni Go, magtiis-tiis muna at sumunod sa panuntunan ng pamahalaan.

“Dalawa ang tumama sa atin, itong COVID-19 halos isang taon na tayo — hanggang Disyembre hindi pa natatapos. Tumama pa itong pagbaha. Talagang mahirap ang buhay ngayon. Pero konting tiis lang po, mga kababayan ko. Mayroon naman tayong nakikitang light at the end of the tunnel,” ayon pa kay Go.

 

 

 

Read more...