Ayon sa Globe, maliban sa mga bagong tower, umabot sa 917 pang cell sites sa lungsod ang naisailalim sa upgrade.
Isinagawa ang upgrade at pagtatayo ng bagong towers mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Dahil sa network upgrade, mas maraming barangay sa lungsod ang nakararanas na ngayon ng maayos na call at data services.
Sa mga lugar naman na wala pang naitatayong bagong cell tower, isinailalim sa upgrade ang 2G at 3G patungo sa 4G/LTE.
Una nang kinumpirma ng Ookla ang mas maayos na network service sa bansa.
Ang Ookla ay global leader sa pagsasagawa ng internet testing at analysis.
Ayon sa Ookla, ang Globe ay mayroong most consistent 4G network sa 13 out of 17 regions sa bnsa batay sa 3rd quarter data ngayong 2020.