Malakanyang kumpiyansang tatalima ang Simbahang Katolika sa mga protocol sa Simbang Gabi

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na mahigpit na ipatutupad ng Simbahang Katolika ang umiiral na guidelines ng inter agency task force para sa COVID-19 na 30 percent capacity.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay sa unang araw ng simbang gabi.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa rin ang Palasyo na susundin nb simbahang katolika ang itinakdang distansya sa mga upuan.

Kanina lamang, dumagsa ang mga mananampalataya sa unang simbang gabi.

Paalala ng Palasyo, magsimba ng nakasuot ang face mask, face shield at mag-disinfect palagi.

Hinihimok ng Palasyo ang may mga sintomas na huwag nang magsimba.

“Well, buo po ang tiwala natin sa mga simbahan, sa Simbahang Katolika na ipatutupad po iyong existing guidelines – 30% capacity and may distancing po sa mga upuan. At siyempre po kinakailangan lahat ng magsisimba naka-mask, naka-face shield, kinakailangan mag-disinfect at kinakailangan walang kahit sino na mayroong sintomas ay magsisimba.

Ayon kay Roque, batid ng Palasyo na bilang mga Kristyano, mahalaga ang simbang gabi.

Pero may obligasyon aniya ang bawat isa na pangalagaan ang kalusugan lalo’t nakasaad sa bibliya na templo ng Panginoon ang katawan ng tao.

Paalala ng Palasyo, patuloy na magsuot ng mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang sapat na distansya sa bawat isa para makaiwas sa COVID-19.

 

 

 

Read more...