Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa bahagi ng Apayao at Cagayan

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa bahagi ng Cagayan at Apayao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Miyerkules, December 16, yellow warning na ang umiiral sa mga bayan ng Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao, at sa Abulug, Aparri, Ballesteros at Pamplona sa Cagayan.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Amihan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar o landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala nakararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Calanasan at Kabugao sa Apayao; Allacapan, Baggao, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Gonzaga, Lallo, Penablanca, Rizal, Santa Ana, Santa Praxedes at Sanchez Mira sa Cagayan, at sa Maconacon sa Isabela.

 

 

Read more...