Squad leader ng NPA sumuko sa mga otoridad sa Iligan City

Sumuko sa mga otoridad sa Iligan City ang isang squad leader ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa AFP Western Mindanao Command, ang sumuko ay kinilalang si Ilan Talha Binongkasan alyas King, squad leader ng Squad Uno, Platoon Dos, Ace Company ng NPA.

Ayon kay AFPP WestMinCom Commander Lt. Gen. Vinluan, Jr., sumuko si Binongkasan sa mga tauhan ng 41St Mechanized Company sa Purok Poblacion, Barangay Rogongon.

Isinuko din niya ang kaniyang 5.56mm M16 Elisco rifle na mayroong tatlong magazines at 78 round ng bala.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...