Tatlong crew ng isang motorbanca nahulihan ng smuggled na sigarilyo sa Sulu

Aabot sa P1.5 million na halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska mula sa isang motorbanca sa Sulu.

Ayon sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard, ang mga smuggled na sigarilyo ay nakumpiska sa tatlong crew ng bangka.

Sa isinagawang regular coastal security patrol ng Coast Guard Station Sulu, nadiskubre ang master cases ng mga sigarilyo.

Nabigo ang tatlong crew na magpakita ng karampatang dokumento.

Naiturn-over na sa Bureau of Customs (BOC) sa Jolo ang mga kargamento para sa imbestigasyon.

 

 

 

Read more...