Ayon kay MMDA EDSA Traffic chief, Bong Nebrija, ito ay para maibsan kahit papaano ang masikip na daloy ng traffic sa EDSA ngayong holiday season.
Una nang sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na nag-alok ang local government ng Quezon City na magtatalaga ito ng mga tauhan nila mula sa Department of Public Order and Safety (DPOS) para magmando ng traffic sa naturang U-turn slot.
Maari ding buksan ang maliit na bahagi ng U-turn slot malapit sa Dario Bridge sa Quezon City para madaanan ng emergency vehicles, gaya ng ambulansya.
Umabot na sa pitong U-turn slots sa EDSA ang naisara ng MMDA para maging maayos ang daloy ng traffic sa EDSA busway.