Turkey umakyat na sa pang-anim na bansa sa mundo na may pinakamaraming COVID-19 cases

Nasa pang-anim na ang bansang Turkey sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ito ay dahil nitong nagdaang mga araw nakapagtatala ang Turkey ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag, umabot sa mahigit 32,100 ang kaso ng COVID-19 sa Turkey.

Ang total number ng COVID-19 cases sa bansa ay 1,898,447 na.

Nahigitan na ng Turkey ang datos ng COVID-19 cases sa Italy.

 

 

Read more...