Paalala ng DOH sa mga noontime show, gumamit ng face mask at face shield

Photo grab from PCOO Facebook video

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga noontime show na maliban sa face shield ay dapat gumagamit din ng face masks.

Reaksyon ito ni Health Sec. Francisco Duque III sa obserbasyon sa mga noontime show na ang mga host ay naka-face shield lamang at hindi nakasuot ng face mask.

Mayroon ding segment ng kantahan sa isang noontime show kung saan ang mga kumakanta ay nakasuot lang ng face shield.

Sa kabila ito ng paulit-ulit na babala ng DOH na mataas ang banta ng transmission ng sakit kung ang ginagawa ay loud singing.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER kay Duque, sinabi nitong malinaw sa minimum health protocols, bago ang face shield ay dapat nakasuot na muna ng face mask.

“Pinagpalpanuhan na namin ‘yan, gagawan natin ng adjustment yan sa ating kampanya, tignan natin ano magandang istratehiya diyan” ayon kay Duque.

 

 

 

Read more...