Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, alas-8:16 umaga ng Miyerkules (December 16).

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna nang niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lugar kaninang 7:07 ng umaga.

Read more...