“Huwag pahintulutan ang kadiliman” – Pope Francis

Pope FrancisPinanguhan ni Pope Francis ang Easter Celebrations ng mahigit isang bilyong Katoliko sa buong mundo, at inihayag sa lahat na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga nangyayari gaya ng terorismo.

Sa kanyang homily sa Easter vigil mass sa St. Peter’s Basilica Sabado ng gabi, sinabi ng Santo Papa na huwag pahintulutan ang kadiliman at takot na makagulo at kumuntrol sa lahat.

Inihayag ito ni Pope Francis kasunod ng ilang serye ng pambobomba sa Brussels, Belgium na ikinamatay ng hindi bababa sa tatlumpu’t isang indibidwal.

Ang Holy Week services ay sinasabing ang pinaka-malungkot sa Christian liturgical calender dahil inaalala rito ang pagkakanulo at pagpako sa krus kay Hesu Kristo, subalit lalo itong naging malamlam dahil sa Brussels attacks.

Noong kanyang Good Friday service sa Roma, kinondena ng Pontifex ang pag-atake at sinabi ang mga tagasunod ng mga grupo o relihiyon na nagsasagawa ng terorismo ay paglapastangan sa pangalan ng Panginoon.

Ang Easter ngayong 2016 ay ang ika-apat na ni Pope Francis matapos siyang ihalal bilang pinakamataas na pinuno ng simbahang Katolika.

Bininyagan din niya ang nasa labing dalawang adult converts sa Katolisismo, kabilang na ang anim na Albanians at isang Chinese.

Ngayong Linggo naman ay ilalahad ni Pope Francis ang kanyang “Urbi et Orbi” o to the city and the world blessing and message, na gaganapin sa central balcony ng St. Peter’s Basilica.

 

Read more...