Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.56 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (December 16) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 211.83 meters.
Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.43 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.30 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.51 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.55 meters.
Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao at Caliraya dams naman ay nabawasan.
MOST READ
LATEST STORIES