Sa Cebu Metropolitan Cathedral sa Cebu City sinabi ng Waterfront Police Station na umabot sa 1,200 na katao ang bilang ng mga nagsimba.
Ang loob ng simbahan ay kaya lamang makapagpapasok ng hanggang 600 na katao.
Ang ibang mga nagsimba ay sa labas na lamang ng Cathedral pumwesto.
Sa kabila ng pagdagsa ng maraming tao, nasunod naman ang social distancing sa loob at labas ng simbahan.
Napuno din ang loob at labas ng Santo Tomas de Villanueva Church sa Barangay Poblacion Pardo, Cebu City.
Ang mga taong hindi na nagkasya sa loob dahil sa ipinatutupad na social distancing ay sa kalsada na pumwesto.
Modified enhanced community quarantine na ang umiiral sa Cebu City kaya 50 percent ng seating capacity ang pinapayagan sa loob ng mga simbahan.