Brussels Airport, sarado hanggang Martes

(Ketevan Kardava/ Georgian Public Broadcaster via AP)
(Ketevan Kardava/ Georgian Public Broadcaster via AP)

Sarado pa rin ang Brussels Airport matapos ang pagpapasabog noong Martes.

Ayon sa mga opisyal ng paliparan, sa Martes pa magre-resume ang mga flight dahil patuloy pa ring pinag-aaralan ang pinsalang naidulot ng pagsabog.

Sa ngayon, pinapayagan nang makapasok ang mga engineer para masuri ang structural safety ng gusali gayundin ang information technology systems ng airport.

Kung may makikitang sira sa gusali, ay sasailalim agad ito sa pagkukumpuni.

Ayon sa Brussels Airport Company, pinag-aaralan nila ang posibilidad na magkaroon ng pansamantalang solusyon upang maibalik ‘partially’ ang mga apektadong biyahe.

Taun-taon, ay umaabot sa 23.5 million na pasahero ang gumagamit sa paliparan.

Ang Brussels Airport ay mayroong biyahe patungo sa 226 na destinasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Read more...