Show ni Mariah Carey sa Brussels, kinansela dahil sa terror attack

mariahHindi na itutuloy ni U.S. pop star Mariah Carey ang kaniyang show sa Brussels, matapos ang pag-atake kamakailan na ikinasawi ng mahigit 30 katao at ikinasugat ng mahigit 270 na iba pa.

Nakatakda sanang magshow si Carey sa Linggo sa Brussels bilang bahagi ng kaniyang “Sweet Sweet Fantasy” European tour.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Carey na pinayuhan siyang ikansela ang show para na rin sa kaligtasan ng kaniyang fans, banda at crew. “I love my fans in Brussels and at this time I am being advised to cancel my show for the safety of my fans, my band, crew and everyone,” nakasaad sa post ni Carey sa twitter.

Si Carey ang nagpasikat sa mga kanta noong 90s na “Hero,” “Fantasy,” “Always Be My Baby,” at maraming iba pa.

Magugunitang patuloy ang operasyon ng mga otoridad sa Brussels matapos ang pag-atake na naganap noong Martes.

 

Read more...