Sa mga lugar na nakasailalim sa modified general community quarantine o MGCQ, pinapayagan na ang 50 percent seating capacity sa mga simbahan.
Habang 30 percent naman sa mga lugar na nakasailalim pa sa GCQ gaya ng Metro Manila.
Sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa Cebu City, dahil limitado ang makapapasok sa loob, maging ang labas ng simbahan ay nilagyan ng mga upuan para sa mga magsisimba.
Mahigpit namang ipinatupad ang health protocols sa loob at labas ng mga simbahan gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
Sa mga malalaking simbahan, para ma-accommodate ang mas maraming nais magsimba, dinagdagan ang mga misa para sa Simbang Gabi.
Sa Quiapo Church, tatlo ang misa para sa anticipated mass at tatlo din ang misa para sa Misa De Gallo.