Tail – End of a Frontal System magpapaulan sa Bicol Region at Eastern Visayas

Tatlong weather system pa rin ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, December 16, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region at sa Eastern Visayas dahil sa Tail – End of a Frontal System.

Maulap na papawirin din ang iiral na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon dahil sa Amihan.

Isolated na mahihinang papg-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon dahil din sa Amihan.

Habang sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa buong Mindanao, easterlies naman ang iiral na magdudulot din ng isolated na mga pag-ulan.

Nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babiyan Islands, cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur La Union at Pangasinan at bawal pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat.

 

 

 

Read more...