BREAKING: Isa patay sa sunog sa Paco, Maynila

(UPDATE) Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na nagaganap sa Paco, Maynila.

Ayon ito sa Bureau of Fire Protection.

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa bahagi ng Burgos-Zamora na nagsimula alas 4:36 ng umaga.

Pawang gawa sa light materials ang nasunog na bahay.

Umabot sa 4th alarm ang sunog bago naideklarang under control alas 7:35 ng umaga.

Ang mga residenteng lumikas sa mga nasunog nilang bahay ay pansamantala munang nananatili sa isang playground sa lugar.

 

 

 

Read more...