Nanawagan si Senator at vice preesidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sambayanan na isantabi ang pagkakaiba-iba at magkaisa para sa kinabukasan.
Sa kaniyang Easter Sunday message, sinabi ni Marcos na ang pagkabuhay na muli Hesus ay dapat gawing opurtunidad ng lahat para malampasan ang mga pagsubok at magsimula ng panibagong araw.
“Like our Lord’s journey through his passion and resurrection, I pray that we can rise above our challenges and differences and work together to achieve our dream of a brighter future,” ayon sa senador.
Ani Marcos, gaya ni Hesus dapat ay magsikap ang lahat para matulungan ang mahihirap mahihina sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng sarili.
“Because He loved us, he willingly went through brutal suffering, humiliation and the ultimate sacrifice of giving up his life so we may be redeemed. In our own little ways, may we all strive to follow our Lord’s example and care for the weak, the poor and the downtrodden,” dagdag pa ni Marcos.