Kampanya ng mga local candidate, aarangkada na ngayong araw

Campaign materialsMaari nang makapagsimula ng pangangampanya ang mga kandidato sa lokal na posisyon.

Sa calendar of activities ng Commission on Elections, March 25 talaga ang orihinal na simula ng kampanya para sa local candidates pero dahil natapat ito ng Biyernes Santo, bawal munang mangampanya sa nasabing petsa.

Ngayong araw din pwede nang bumalik sa pangangampanya ang mga kandidato para sa national posts matapos ang dalawang araw na Holy Week break.

Sakop ng 45-day campaign period para sa local positions ang mga kandidatong kongresista maliban sa mga party-list group, at ang mga tumatakbo sa elective posts sa regional, provincial, city, at municipal levels.

Sa May 7 magtatapos ang campaign period.

Sa datos ng Comelec, nasa 16,376 na pwesto ang pupunan para sa local posts sa darating na eleksyon.

Excerpt:

Read more...