Sa petisyon para sa Writ of Kalikasan, sinabi ng mga mangingisda mula sa nabanggit na bayan, ang 2,500 ektaryang pagtatayuan ng bagong paliparan ay kinikilalang forestland at permanent forestland ng National Mapping and Resource Information.
Diin ng mga naghain ng petisyon, lalabagin ng proyekto ang napakaraming environmental laws dahil sa masisira ang kalikasan.
Sakop anila ng proyekto ang kinikilalang forest and permanent forest land na protekta ng Republic Act 4701 o ang An Act Declaring a Portion of the Foreshore Fronting Manila Bay Along the Province of Bulacan as Bulacan Fishing Reservation.
Malalabag din, ayon sa petisyon, ng proyekto ang Republic Act 7160 o ang Local Government Code.