Higit P0.5-B buwis, nakolekta sa mga isinarang negosyo

Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kabuuang P582.5 milyong buwis mula Enero hanggang Nobyembre mula sa 196 negosyo na ipinasara dahil hindi nakarehistro o dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Sinabi ni BIR Dep. Comm. Arnel Guballa na karagdagang P34.5 milyon ang nasingil din sa 18 establisyemento na ipinasara dahil sa Oplan Kandado ng kawanihan.

Bukod dito, nakatanggap din sila ng 103 reklamo na may halagang P4.96 bilyon sa mga pagkaka-utang sa buwis na naisampa ng BIR sa DOJ at nasa preliminary investigation na.

Noong nakaraang taon, umabot sa P1.92 bilyon ang nakolekta ng BIR sa pagpapatupad ng Oplan Kandado mula sa naipasarang 743 establisyemento bunga ng mga paglabag sa National Internal Revenue Code.

Ito ay pagpapakita ng higit 218.88 porsiyentong pagtaas sa naipasarang 233 establisyemento noong 2018 at pagtaas sa koleksyon ng 140.76 porsiyento o P799.47 milyon.

Read more...