Nagsagawa ng inspeksyon si Health Secretary Francisco Duque III sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT), Martes ng hapon.
Makikita sa ibinahaging video ng Department of Health (DOH) sa Facebook na kasama ng kalihim si Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.
Layon nitong malaman kung nasusunod ang safety at health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.
Sumakay din ang kalihim sa tren para makita ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga pasahero.
Ayon sa kalihim, hindi dapat maging kampante sa publiko kahit na patuloy ang pag-develop ng bakuna laban sa nakakahawang sakit.
“We should not be complacent in our response to the COVID-19 virus even as vaccine are continuously being developed,” pahayag nito sa Twitter.
Paalala pa nito, “We must always exercise minimum public health standards, especially during our daily commute to mitigate the spread of the virus within our workplace or at home.”