Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Philippine Olympic Committee na magbalik-training ang mga Filipinong atleta na sasabak sa Olympics sa Tokyo Japan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ang training sa pamamagitan ng bubble-type setting.
Kinakailangan aniyang makipag-ugnayan ang POC sa regional task force at sa lokal na pamahalaan para sa bubble-type setting kung saan gagawin ang training
Umaasa ang Palasyo na maraming gintong medalya ang maiuuwi ng mga atleta.
MOST READ
LATEST STORIES