Mga bus na patungo sa iba’t ibang probinsya, pwede nang bumiyahe

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na makabalik ang operasyon ng mga bus na may biyahe sa iba’t ibang probinsya.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, point-to-point lamang ang ruta ng nga bus na inaprubahan ng local government units at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Kasama rin sa inaprubahan ng IATF ang mga stop-over o mga lugar na hihintuan pansamantala ng mga bus para makapagpahinga ng ilang minuto ang mga driver, konduktor at mga pasahero at para makagamit sila ng palikuran.

Ayon kay Roque, kailangan lamang hintayin ang ilalabas na guideines ng Department of Transportstion (DOTr) at LTFRB.

Read more...