Pagsusuot ng face mask, face shield sa mga pampublikong lugar ipinag-utos ng IATF

Photo grab from PCOO Facebook video

Ipinag-utos na ng Inter-Agency Task Force ang pagsusuuot ng face mask at face shield sa lahat ng mga pampublikong lugar.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang napagkasunduan na bagong polisiya ng IATF.

Kung dati-rati aniya ay sa mga establisyemento o sa mga mall lamang ang pagre-require ng face shield, ngayon ay kasama na ang mga pampublikong lugar.

Sa ganitong paraan aniya mabibigyan ng dagdag proteksyon ang publiko para makaiwas sa COVID-19.

Read more...