Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.
Sa datos ng DOTr, nasa 34,390,712 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.
Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang December 13.
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines mula June 1 hanggang November 30:
LRT-1 – 14,804,219
LRT-2 – 4,038,475
MRT-3 – 9,626,705
PNR – 2,217,879
Narito naman ang bilang ng ridership mula December 1 hanggang 13:
LRT-1 – 1,679,972
LRT-2 – 378,226
MRT-3 – 1,439,998
PNR – 205,238
Umabot naman sa 24 train sets ang nakakatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, lima sa LRT-2, 22 sa MRT-3 at 10 sa PNR.
Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.