Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,496 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Martes (Dec. 15).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QC-ESU at district health offices.
Samantala, nasa 939 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,813 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 744 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 21,998 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES