Global cases ng COVID-19 mahigit 73.15 million na

Umabot sa mahigit 503,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Martes, (Dec. 15) ay 73,156,827 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 306,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 21,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 27,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala din ang Russia ng dagdag na 27,000 na mga bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 16,922,438
India – 9,906,484
Brazil – 6,929,409
Russia – 2,681,256
France – 2,379,915
UK – 1,869,666
Turkey – 1,866,345
Italy – 1,855,737
Spain – 1,762,036
Argentina – 1,503,222

 

 

Read more...