Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 65; 1 pang pasyente ang pumanaw

Nadagdagan ng 65 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 816 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Martes umaga (December 15), 9,571 na ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 569 o 5.95 porsyento ang aktibong kaso.

37 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 8,894 o 92.93 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nakapagtala naman ng isang panibagong nasawi sa sakit.

Sa ngayon ay umabot na sa 108 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.13 porsyento.

 

 

Read more...