Tumagal ng tatlong oras ang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 4th Special Forces Battalion at tinatayang nasa 40 rebelde.
Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan, naganap ang sagupaan sa Barangay Macalang sa Al-Barka.
Ayon kay Tan, pawang minor injuries lamang ang tinamo ng mga sundalo na tinamaan ng shrapnel mula sa M203 grenade launchers.
Dinala na sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang mga sugatang sundalo.
Kinilala ang mga nasawing rebelde na sina ASG sub-leader Eric Arjibon at isang alyas Aiyan.
Si Arjibon ay eksperto sa paggawa ng bomba at responsable sa pagpapasabog sa mga establisyimento sa Basilan.