Miss Universe Pia Wurtzbach nasa Pinas

miss u pinasBalik bansa si Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bumalik ng bansa si Wurtzbach mula nang makuha niya ang korona sa Miss Universe.

Sa kaniyang instagram account, nagpost si Pia ng kaniyang larawan habang nasa hotel room.

Ang larawan ay may caption na “Back in sunny Manila!”.

Bago ihayag ni Pia na siya ay nasa Pilipinas, nagpost pa ito ng edited niyang larawan na mayroon syang pakpak at sinabing siya ay lilipad patungo sa isang lugar.

Noong buwan ng Enero ay dumating din sa bansa si Pia para sa week-long series ng homecoming activities matapos niyang maiuwi ang Miss Universe crown na mahigit 40 na taon nang mailap sa Pilipinas.

Sa April 17 ay magaganap ang coronation night ng Binibing Pilipinas at inaasahang si Pia ang magsasalin ng korona sa magwawaging Binibining Pilipinas-Universe.

Read more...