Sitwasyon ng traffic sa mga expressway unti-unti nang bumubuti

Unti-unti nang bumubuti ang sitwasyon ng traffic sa mga expressway ayon sa Toll Regulatory Board.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni TRB Spokesperson Julius Corpuz na simula noong ipatupad ang 100 percent cashless transactions noong December 1 ay nagiging maayos na ang daloy ng traffic sa mga expressway.

Sinabi rin ni Corpuz na mahigit 90 percent na ng mga sasakyan na dumadaan sa expressways ang gumagamit na ng RFID.

Ibig sabihin aniya ay 10 percent na lang ang motorista na hindi naka-RFID.

Patuloy namang humihingi ng paumanhin ang TRB sa mga motorista na nakararanas pa din ng aberya sa RFID.

Ayon Corpuz, patuloy itong tinutugunan ng TRB at ng mga toll operator.

 

 

 

Read more...