Bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte inuulan dahil sa Amihan at Tail End of Frontal System

Nakararanas pa din ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 7:55 ng umaga ngayong Martes, December 15, ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Northeast Monsoon at Tail End of Frontal System.

Sa ngayon ay nakararanas ng katamtaman at kung minsan ay maakas na buhos ng ulan sa Calanasan, Kabugao at Luna sa Apayao; at sa mga bayan ng Gonzaga, Pamplona, Santa Ana at Sanchez Mira sa Cagayan.

Mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan naman ang nararanasan sa Flora, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao; mga bayan ng Abulug, Aparri, Camalanuigan, Claveria, Penablanca at Santa Praxedes sa Cagayan; at sa mga bayan ng Adams, Dumalneg at Pagudpud sa Ilocos Norte.

Pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at flashflood sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...