Sa botong 179-6 at walang abstention, naipasa sa huling pagbasa ang House Bill 8063 na layong palawigin ang validity ng Bayanihan 2 na nakatakdang mapaso sa December 19.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukala.
Batid din aniya ng Kamara ang kahalagahang mapalawig ang Bayanihan 2 para sa socioeconomic recovery ng bansa.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ng stimulus package na P140 billion sa regular appropriation at P25 billion na standby fund para sa pagtugon ng bansa sa pandemya ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES