Attorney General William Barr nagbitiw sa pwesto ayon kay Trump

Ilang minuto matapos pormal na ideklara ng US Electoral College ang pagkakapanalo ni Joe Biden sa US elections, inanunsyo naman ni US President Donald Trump ang pagbibitiw sa White House ni Attorney General William Barr.

Sa kaniyang Tweet sinabi ni Trump na lilisanin na ni Barr ang White House bago mag-Pasko.

Ayon kay Trump naging maayos ang working relationship nila ni Barr at nagbigay ito ng maayos na serbisyo.

Si Deputy Attorney General Jeff Rosen ang magsisibing Acting Attorney General kapalit ni Barr.

Habang si Richard Donoghue ang papalit kay Rosen bilang Deputy Attorney General.

 

 

Read more...