Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag


Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.83 meters alas-6:00 umaga ng Martes (December 15) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 211.99 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.30 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.31 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.55 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.57 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao, Binga at Caliraya dams naman ay nabawasan.

Read more...