Pormal nang idineklara ng US Electoral College ang pagkakapanalo ni US President-elect Joe Biden sa nagdaang presidential elections sa Amerika.
Nanalo si Biden sa Electoral College matapos makakuha ng 302 votes kumpara sa 232 ni Incumbent President Donald Trump.
Nagtipon sa sesyon ang Electors para bumoto at pagtibayin ang pagkakapanalo sa 2020 presidential elections ni Biden.
Pinagtibay din ang pagkakapanalo ni Kamala Harris bilang bise presidente.
Batay sa proseso, sa January 6 ay magdaraos ng joint session ang Congress para opisyal na bilangin ang boto at sertipikahan ang pagkakapanalo ni Biden.
MOST READ
LATEST STORIES