Cavite Rep. Strike Revilla pang-30 deputy speaker sa Kamara

Nadagdagan pa ang mga deputy speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa sesyon na isinagawa araw ng Lunes, December 14, hinirang bilang pang-30 deputy speaker si Cavite Rep. Strike Revilla.

Itinalaga naman si Negros Occidental 3rd District Rep. Francisco Benitez bilang bagong chairman ng House housing and urban development committee.

Habang si COOP-NATCCO party-list Rep. Sabiniano Canama ang mamumuno sa House Special Committee on East Asean Growth Area.

Si PHILRECA party-list Rep. Presley de Jesus ang siya nang chairman ng cooperatives development panel.

 

 

 

Read more...