Dalawa patay sa insidente ng pamamaril sa Parañaque

Dalawa ang nasawi sa insidente ng pamamaril na nangyari sa Baclaran, Parañaque Lunes ng gabi.

Patay ang biktima na nakilalang si Alexander Peña matapos na pagbabarilin habang nagbibisikleta sa bahagi ng Mactan Street.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque Police, ang suspek ay sakay ng motorsiklo na lumapit sa biktima at saka ito binaril ng ilang beses sa ulo.

Isang residente naman na nakatayo lamang malapit sa pwesto ng biktima ang tinamaan ng ligaw na bala at nasawi din.

Nakilala itong si Ma. Nimfa Jacinto, 42 anyos.

Nakuha sa lugar ang limang basyo ng bala ng 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

 

 

 

Read more...